EduHeart We Reflect. We Write. We Transform Lives. Publications
Publications / Asian Research Journal of Education / Vol. 2, No. 4 (2025)
Articles

Pagtuklas Sa Kasanayang Ortograpiya Ng Mga Mag-Aaral Ng Senior High School Tungo Sa Mahusay Na Pagsulat Ng Sanaysay

Asian Research Journal of Education · Vol. 2, No. 4 (2025) · pp. 44-54 · Published 2025-10-01

First page of this article
First page

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang kaugnayan ng paggamit ng Ortograpiyang Filipino sa kahusayan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa pagsulat ng sanaysay. Ginamit ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik upang higit na maunawaan ang mga karanasan, pananaw, at estratehiya ng mga kalahok. Pitong (7) mag-aaral at tatlong (3) guro mula sa tatlong magkakaibang standalone Senior High School ang naging kalahok ng pag-aaral. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng masusing panayam at pagsusuri ng mga nakuhang sanaysay. Batay sa pagsusuri, natukoy na mahalagang salik ang malinaw na pagtuturo at tuloy-tuloy na fidbak upang mahasa ang kasanayan ng mga magaaral sa paggamit ng ortograpiya. Lumabas din na nakatutulong ang integrasyon ng makabagong estratehiya at interaktibong gawain gaya ng larong pangwika, puzzle, at teknolohiya sa pagpapalalim ng kasanayan sa pagbabaybay at paggamit ng bantas. Dagdag pa rito, lumitaw ang kahalagahan ng metakognitibong estratehiya tulad ng self-editing at pagsusuri ng kamalaian na nagpapalakas ng kamalayan ng mag-aaral sa kanilang pagkakamali. Naging makabuluhan din ang paggamit ng L1–L2 contrastive analysis sa pagtuturo, dahil nakatulong itong maiwasan ang transfer errors mula sa unang wika ng mga magaaral. Higit sa lahat, binigyang-diin ng mga guro ang kahalagahan ng motibasyon at ng pagkakaroon ng kultura ng pagsusulat upang lubusang mapahalagahan ang wastong paggamit ng ortograpiya. Ipinapakita ng mga natuklasan na ang wastong paggamit ng ortograpiya ay hindi lamang teknikal na kasanayan, kundi bahagi ng mas malalim na proseso ng pagkatuto na kinapapalooban ng tamang estratehiya, makabagong pamamaraan, at positibong saloobin. Ang resulta ng pag-aaral ay maaaring magsilbing batayan sa pagbuo ng mga programang pang-akademiko at interbensyon upang higit na mapalakas ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay.

Publication record

ISSN
3028-0842
Published
2025-10-01
License
https://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/4.0
Copyright
© 2025 Asian Research Journal of Education
Publisher
EduHeart Knowledge Network and Publishing, Inc.

Contributors